1.5M doses ng Sinovac dumating sa PH

DUMATING na sa bansa ang karagdagang 1.5 milyong doses ng Sinovac na galing China.

Alas-7:59 ng umaga nang lumapag ang chartered plane ng Cebu Pacific na naglululan ng Sinovac sa NAIA Terminal 2

Sa kabuuan, limang milyong doses na Sinovac ang dumating sa Pilipinas.

Bukod sa Sinovac, kabilang sa mga dumating sa bansa ang 525,000 doses ng AstraZenaca at 15,000 Sputnik V o kabuuang 5,540,00 doses ng vaccine.