SINABI ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Teresito Bacolcol na posibleng umabot na sa paanan ng Mayon Volcano ang lava sa harap naman ng patuloy na pag-agos nito.
“Posible kapag magtuluy-tuloy. So far, its 2.5 kilometers from the crater, and kapag tuluy-tuloy po iyon, puwede pong ma-breach iyong six-kilometer permanent danger zone. Pero sana hindi naman, kasi mabagal naman iyong pag-agos ng lava.
“So masyadong mabagal, baka 350 meters per day lamang and then doon lamang steep slope. And then, hindi na siya makausad minsan, iyong lava front ay nagiging rockfall event,” sabi ni Bacolcol sa Laging Handa briefing.
Idinagdag ni Bacolcol na wala pa namang indikasyon na itataas ang permanent danger zone sa pitong kilometro mula sa kasalukuyang anim na kilometro.
“Wala pa kaming nakikitang indikasyon na kailangan nating lawakan iyong permanent danger zone to seven kilometers. So steady muna tayo po sa six-kilometer permanent danger zone ” aniya.