BBM inaprubahan dagdag bonus sa DA employees

INAPRUBAHAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang dagdag na bonus para sa mga kawani ng Department of Agriculture (DA) matapos pangunahan ang ika-125th anibersaryo ng kagawaran nitong Martes.

Bago matapos ang programa, sinabi ni Marcos na kinantiyawan siya ni Sen. Cynthia Villar na dapat dagdagan ang bonus dahil sa dami ng pinapagawa ng pangulo.

Idinagdag ni Marcos na tiniyak sa kanya ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban na may savings ang kagawaran para pagkunan ng dagdag bonus.

Hindi naman sinabi ni Marcos kung magkano ang tatanggapin ng mga empleyado ng DA.