MAGLALAAN ng P2 bilyon pondo ang pamahalaan para sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette.
Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, gagamitin ang pondo para sa relief assistance sa mga lugar na apektado ng hagupit ng super typhoon.
“Si Pangulong Duterte has already committed P2 billion na funding. Ang i-allocate to help ito rin. Sinabi niya sa governors na kinausap niya kahapon,” ayon kay Nograles.
Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado sa ilan sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette.
Nakipagpulong din siya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga lugar na ito.
Samantala, sinabi ni Nograles na mayroon ding mahigit 700,000 katao sa 2,322 barangay na apektado ni “Odette”.
“Sa evacuation centers, mayroon po tayong evacuees na mga 74,680 families so ito ‘yung mga kailangan nating tulungan,” ayon kay Nograles.