103 patay kay ‘Odette’

UMABOT sa 103 ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Odette, batay sa ulat na nakakalap mula sa iba’t ibang apektadong lugar.

Kabilang dito ang anim na nasawi sa Southern Leyte, batay sa kumpirmasyon ng Official of Civil Defense (OCD) Region 8.

Dalawa rin ang nadagdag na nasawi sa Northern Mindanao.

Nahigitan na ni ‘Odette’ ang Bagyong Ulysses kung saan nakapagtala ng 101 mga nasawi.

Kagabi, iniulat ni Bohol Governor Arthur Yap na 49 ang nasawi sa pananalasa ng bagyo sa lalawigan.

Kabilang sa mga nasawi sa Misamis Oriental ay isang Chinese na nakilalang si Lai Zouye, 37, isang kontraktor ng Smart at residente ng San Isidro, San Simon, Pampanga.