Netizens napa-‘sana all’ sa ayuda sa taga-Gapan

NAPA-“sana all” ang mga netizens nang makita ang ayudang ibinigay ng lokal na pamahalaan ng Gapan, Nueva Ecija sa mga kababayan nitong nagpositibo sa Covid-19.


Matutunghayan sa mga kumakalat na video at larawan ang mga frontliners na naka-PPE habang nag-aabot ng care package sa mga residenteng tinamaan ng virus.


Laman ng package ang mga imported na canned goods, gatas, prutas, noodles, bigas at iba pang essential needs.


Mayroon ding cash aid na ibinigay sa mga may sakit.


Kanya-kanyang pagpapirinig naman ang ginawa ng netizens sa kani-kanilang mga local officials.


“Sana all ..sana dto rin sa san jose del monte bulacan …Mayor AR bka nman.”


“Sana po naging taga GAPAN nalang kami, or sana ALL at kahit hindi ganyan ang ayuda basta may roon din kaming matanggap na ayuda dahil sa panahon ngayon lahat halos nag hihirap. I SALUTE po sa Mayor ng GAPAN, GOD BLESS po sa inyo. naway Dalhin kayong lagi ng inyong mga kababayan sa mga susunod na halalan. May malasakit at tunay na PUSO para sa inyong mga kababayan. Mabuhay po kayo Mayor EMENG ng GAPAN.”


Si Emerson “Emeng” Pascual ang alkalde ng Gapan.