IGINIIT ng Philippine Air Force (PAF) na hindi overloaded ang bumagsak na C-130 Hercules transport plane na ikinasawi ng 53 sundalo at sibilyan sa Sulu.
Sa kalatas, sinabi ng PAF na 120 ang maximum capacity ng bumagsak na eroplano pero 96 lamang ang sakay nito.
“The said C-130 was not overloaded. It was well within the operational limits and capacity when it left Laguindingan Airport with 96 passengers compared to its maximum capacity of 120 passengers. This is contrary to the circulating rumor that the aircraft was overloaded,” ayon sa PAF.
May sakay na 84 sundalo at 12 PAF personnel ang eroplano. Sa bilang, 53 ang nasawi at 46 ang nasugatan. Namatay rin ang tatlong sibilyan at apat ang sugatan.