Vice Ganda nag-alburuto vs fake news

NILINAW ni Vice Ganda na wala siyang patutsada kay Bea Alonzo at iba pang dating Kapamilya stars na lumipat sa GMA-7.


Sa Twitter, binatikos ni Vice ang nagpakalat ng tweet kung saan sinabi umano niya na, “Ang kapal ng mukha ng mga taong nagsasabing nauubos na ang Kapamilya Artist. Kung diyan kayo masaya bahala kayo basta sinabi ko na dati pa wala kayong future sa kabila. Charot”


Sey ng TV host-comedian: “Kadiri tong FAKE NEWS na to!!!!!! Pero mas KADIRI yung mga sumakay!!!! Pero PINAKA KADIRI yung mga sumusweldo at kumikita sa FAKE NEWS!!!”


“Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!! Mas mababa pa kayo sa TAE! Yan ang #FACT!” dagdag pa niya. –A. Mae Rodriguez