Mag-ama, 2 kapitbahay todas sa diarrhea

SUNOD-SUNOD na nasawi ang mag-ama at dalawa nilang kapitbahay kamakailan sa Davao City dahil umano sa diarrhea.


Inaalam pa ng mga otoridad kung ang poso na pinagkukunan ng inumin ng mga biktima ang dahilan ng diarrhea.


Napag-alaman na matatagpuan ang poso ilang metro ang layo mula sa kural ng baboy.


Ayon sa ulat, halos sabay na namatay ang purok leader na si Eduardo Edica at kanyang anak nitong linggo.
Makalipas ang ilang araw ay nasawi rin si Jesus Olarte at ang kapitbahay niyang matanda.


Kumuha na ng sample ng tubig mula sa poso ang city health office upang madetermina kung kontaminado ito.


Nirarasyunan naman ng tubig ng barangay ang mga residente na pinatigil muna sa paggamit ng poso.