Lalaki nagselos, GF na pinsan ibinigti

IBINIGTI ng lalaki ang kanyang pinsan dahil sa matinding selos sa Roxas City, Capiz Biyernes ng umaga.
Ayon sa pulisya, sumuko ang suspek at isiniwalat ang ginawang pagpatay sa biktima.


Agad na tinungo ng mga alagad ng batas ang bahay ng suspek sa Brgy. Culajao at tumambad sa kanila ang katawan ng biktima.


Kuwento ng suspek, dumating sa kanyang bahay ang babae noong Huwebes at doon nagpalipas ng magdamag.


Kinabukasan ay nagpaalam ang kanyang pinsan na uuwi na ito sa kanila pero pinigilan niya.


Nagtalo ang dalawa at sa kasagsagan ng away ay kumuha ng lubid ang suspek saka ibinigti ang biktima.


Inamin ng suspek na may relasyon silang magpinsan at nagawa lang niya ang krimen dahil sa selos.


Nahaharap siya sa kasong murder.