Lolang inakusahang mangkukulam, kinatay

KINATAY na parang baboy ang isang 76-anyos na lola na pinaghihinalaang mangkukulam sa San Carlos City, Pangasinan kahapon, ayon sa pulisya.

Agad na nasawi si Aurora Peralta, residente ng Brgy. Bacnar, dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.

Sinaksak din ang kinakasama ng biktima na si Narciso Bulatao, 85, pero nakaligtas ito. Ginagamot ang matanda sa ospital.

Lumabas sa imbestigasyon na natutulog ang mag-asawa nang pasukin ng suspek ang kanilang bahay at walang pakundangang pinagsasaksak ang mga biktima bago tumakas.

Isang apo ni Peralta ang nakakita kay Bulatao na humihingi ng tulong ilang minuto makaraan ang krimen.

Naniniwala ang mga kaanak ng mga biktima na si Peralta ang target ng salarin dahil napinaghihinalaan umano itong mangkukulam.

Itinanggi naman nila ang akusasyon.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na hindi mina pinangalanan.

Larawan mula sa GMA Regional TV