TINEKITAN ng pulisya ang 75 katao na dumayo para maligo sa ilog sa Nozagaray, Bulacan habang libo-libong iba pa ang pinauwi noong Linggo.
Ayon kay Col. Lawrence Cajipe, hepe ng Bulacan Police Provincial Office, higit dalawang libo katao ang naabutan ng kanyang mga tauhan sa Bakas River sa Brgy. Matictic.
Karamihan sa mga bisita ay walang suot na face mask pero ang nga nahuli lang na naliligo ang tinekitan.
Pinauwi na lamang ang libo-libong iba pa na naabutan sa ilog.
Samantala, iimbestigahan ang mga opisyal ng barangay na napag-alaman na nangongolekta ng entrance fee sa mga pumapasyal sa ilog.
“Instead magbawal ay naningil pa ng entrance papasok doon,” ani Calipe.
Umiiral ang general community quarantine with restrictions sa Bulacan kaya bawal pa rin ang mga mass gathering at pagbubukas ng mga resort.