Gladys Reyes naliligo ng mineral water?

TODO-TANGGI ang numero unong character actress ng bansa na si Gladys Reyes na mineral water ang ginagamit niya sa paliligo.


“Hindi po totoo. Chismis lang. Hindi totoo ‘yung sinasasabi nila na naliligo ako ng mineral water. Chika lang yun,” ani Gladys.


Paliwanag niya, naging maingat lang siya sa kanyang balat noong bata pa siya kaya nadala niya ito hanggang pagtanda.