Pinoy tepok sa Indian Covid variant

SUMAKABILANG-buhay noong isang linggo ang Pinoy seafarer na nagpositibo sa Indian variant ng Covid-19, iniulat ng Department of Health.


Sa siyam na tripulante ng MV Athens na nagpositibo sa B.1.617 variant na unang na-detect sa India, isa ang namatay, apat ang nasa ospital habang ang iba ay gumaling na, ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


“Iisa lang ang namatay at siya po ‘yung crew member from MV Athens,” ani Vergeire. “He is from Parañaque but hails from another province.”


Hindi naman sinabi ng opisyal kung ang nasawi ay ang pasyenteng naiulat noong isang linggo na kailangang lagyan ng tubo dahil masama ang lagay nito.


Maliban sa crew ng MV Athens, tatlong overseas Filipino workers pa ang dinapuan ng Indian variant pero gumaling na ang mga ito.