Lalaki namboso, pinapatay ni misis

BAGSAK sa kulungan ang ginang na pinapatay ang kanyang kinakasama dahil sa umano’y pamboboso nito sa kanyang anak sa Sto. Tomas, Batangas.


Ayon sa ulat, binaril at napatay ang 49-anyos na si Teddy Villegas habang natutulog ito sa bahay kung saan kasama niya ang suspek at mga anak nito sa unang asawa.


Sinabi ng pulisya na umamin ang ginang sa kanyang ginawa dahil minomolestiya umano ang anak niya ni Villegas. Idinagdag ng suspek na gabi-gabi rin umanong kinukunan ng larawan ng suspek ang anak habang natutulog ito.


“‘Matagal na pala niya itong binobosohan, kailan ko lang nalaman. Mismong anak ko ang nakakuha ng ebidensya na gabi-gabi siyang pinipicturan sa kanyang pagtulog,” ayon sa suspek.


Dagdag niya sa sobrang galit niya ay wala siyang naisip na ibang paraan para maiganti ang anak.


Nagsisisi naman ang suspek sa kanyang ginawang pag-upa para patayin ang kinakasama.


Nasakote ng pulisya ang dalawang gunmen at dalawang iba pa na kasamang nagplano sa pagpatay. Kakasuhan ang lima ng murder.