Vico Sotto binakunahan

NABIGYAN na ng unang dose ng bakuna mula sa AstraZeneca kahapon si Pasig City Mayor Vico Sotto.


Ani Sotto, siya ang ika-57,858 na taga-Pasig na nabakunahan kontra Covid-19. Bahagi siya ng A1 priority sector para sa vaccination rollout ng bansa.


“Ilang linggo na rin akong kinukulit ng vaccination team natin na magpabakuna na. Gusto ko naman talagang magpabakuna, pero lagi kong naiisip na may mga mas dapat unahin na high risk, katulad ng seniors,” ani Sotto sa kanyang Facebook post.


Sinabi ng alkalde na nagdesisyon siyang pabakuna na para proteksyunan ang sarili at ang mga taong nakakasalamuha niya.


Noong Biyernes, mayroong 526 active cases sa Pasig.