Kotse ng parak naglagablab

HIMALANG nakaligtas ang isang pulis sa umapoy nitong sasakyan sa Presentation, Camarines Sur kamakalawa.


Walang tinamong sunog sa katawan si Col. Jay-Ron del Socorro ng Bula dahil agad itong nakalabas ng kotse.


Lumabas sa imbestigasyon na binabagtas ni del Socorro ang Presentacion-Caramoan Road sa Brgy. Maangas nang biglang umusok at maglagablab ang sasakyan.


Dali-daling itinabi ng pulis ang kotse at lumabas bago pa tuluyang nilamon ng apoy ang sasakyan.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog.