Kainuman todas sa pulis sa Calamba

PATAY ang isang 19-anyos na lalaki matapos itong barilin ng isang pulis sa Calamba, Laguna nitong Linggo.

Kinilala ang nasawi na si Leovil Brian Pelletero.

Binaril si Pelletero ni Police Corporal Javier Ian Medel, miyembro ng Cabuyao police.

Hindi na umabot ng buhay ang biktima sa Global Medical Center matapos magtamo ng sugat sa tiyan.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek. Ito ang kinumpirma ni Calamba City Police chief Lt. Col. Jonathan Villamor.

Nag-iinuman umano ang dalawa hanggang sa mauwi sa mainit na pagtatalo dahilan para barilin ng pulis ang biktima.