PATAY ang tatlong terorista, kabilang ang Egyptian bombmaker, na nakaengkwentro ng tropa ng militar Biyernes ng gabi sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Lt. General Corleto Vinluan Jr., hepe ng Western Mindanao Command, nakilala ang Egyptian na isang Yusop, isa sa limang natitirang dayuhang terorista na na-namonitor sa Sulu.
“He is the stepson of Abduramil, an Egyptian national who was neutralized by the military in Indanan, Sulu last November 2019, and son of Reda Mohammad Mahmud, a.k.a. Sitti Aiza, an Egyptian national who perpetrated a suicide bombing attack at the KM3 Detachment still in Indanan on September 2019,” ani Vinluan.
Nakilala naman ang dalawang napatay na Abu Sayyaf member na sina Abu Khattab Jundullah alyas Saddam at isang Akram.
0
Si Jundullah ay kapatid ng napatay na Daulah Islamiyah/Abu Sayyaf Group member na si Midi Alih habang si Akram ay tauhan ni Mundi Sawadjaan, isa pang dayuhang bombmaker.
Ayon sa ulat, rumoronda ang mga operatiba ng 4th Light Reaction Company nang makasagupa ang mga miyembro ng ASG sa Brgy. Igasan, Patikul alas-10:45 ng gabi.
Ayon kay Vinluan, tumagal nang sampung minuto ang palitan ng putok.
Narekober sa pinangyarihan ang M653, M203 at R4, walong magazine, at mga bala.