2 paslit nasawi sa sunog

DALAWANG bata ang namatay sa sunog sa isang residential area sa Caloocan City Biyernes ng gabi.


Ayon sa ulat, walang kasama sa bahay ang mga bata, kapwa 3-anyos, nang sumiklab ang sunog sa Ana Bustamante st., 2nd Ave. sa Brgy. 43 alas-6:35 ng gabi.


Nagsimula ang sunog sa ibaba ng dalawang-palapag na bahay. Naapula ang apoy makaraan ang 10 minuto.


Hindi pa alam ang pinagmulan nito.


Sinabi ng Bureau of Fire Protection, apat na pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog.


Nasa P60,000 ang halaga ng mga ari-arian na naabo.