KINUMPIRMA ni Bulacan Provincial Veterinarian Dr. Voltaire Basinang ang bird flu outbreak sa isang poultry farm sa Sta. Maria, Bulacan kung saan 17,000 manok ang pinatay para maiwasan ang pagkalat ng avian infuenza.
“Immediately po dinepopulate po natin ang farm, kasalukuyan nagkoconduct kami ng zero surveillance sa one-kilometer area para masigurado na wala nang naapektuhn ng nasabing sakit,” sabi ni Basinang.
Idinagdag ni Basinang na posibleng mga migratory bird ang sanhi ng pagkalat ng bird flu.
“Inaadvice namin ang mga poultry farms na i-bird proof ang mga kulungan, yung pwedeng lagyan ng net para hindi makasalamuha ng mga resident wild bird at saka yng migratory bird yung kanilag flock,” aniya.