Ambulansyang ginagamit sa pag-transport ng Covid patients itinakbo ng pasyente


DINAKIP ang pasyente ng isang ospital sa Davao City na kinarnap umano ang ambulansya na naghahatid ng mga tinamaan ng Covid-19 sa siyudad nitong Linggo.


Nasugatan ang suspek, na may sakit umano sa pag-iisip, makaraang barilin ng mga sundalo ang gulong ng ambulansya.
Ayon sa ulat, kapaparada lamang ng ambulansya sa harap ng Southern Philippines Medical Center nang biglang pasukin at paandarin ito ng 31-anyos na suspek.


Pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Bansalan, Davao del Sur ang ambulansya.


Nasakote ang suspek sa checkpoint sa Panabo City na minamando ng mga sundalo ng Task Force Davao.


Sinabi sa ulat na natamaan ng bala ang suspek nang putukan ng mga sundalo ang gulong ng ambulansya.


Ginagamot na siya sa ospital.


Napag-alaman na bago ang insidente ay nagpapagaling sa SPMC ang suspek, na matagal umanong na-confine sa Davao Mental Hospital.