Taga-Laguna na may Covid namamatay na sa parking lot ng ospital

APAT na Covid-19 patients ang namatay nitong Linggo habang naghihintay na ma-admit sa Ospital ng Biñan sa Laguna.


Ayon kay Dr. Melbril Alonte sa isang panayam: “Masakit pong sabihin pero ‘yun po ang katotohanan. Kahapon po at nung makalawa ay apat po sa isang araw ang namamatay.”


Sinabi ni Alonte na kritikal ang kondisyon ng mga nasabing pasyente pero hindi agad nai-admit sa ospital dahil umaapaw na ito sa mga Covid-19 cases.


Mayroon lamang nakatalagang 50 Covid beds sa nasabing ospital.


Dahil sa dami ng may sakit, ginawang reception area ng ospital ang parking lot.

Mayroong 24 pasyente na binabantayan doon.


“We’re coping. We’re thriving. Patuloy po kaming lumalaban,” dagdag ni Alonte.