WALO ang nasawi matapos ang diarrhea outbreak sa Siargao island ilang linggo matapos salantain ng bagyong Odette ang isla at marami pang lugar sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Surigao del Norte Governor Francisco “Lalo” Matugas, mahigit sa 200 ang naospital dahil sa diarrhea outbreak.
“We have a diarrhea outbreak, in fact as of yesterday we have already treated more than 200, and now in our district hospital there are 90 or 95 in-patients,” ayon kay Matugas.
“Marami pa rin doon, sa bahay lang nila, but we were able to cope, merong mga doctors na dumadating and helping us, from other regions, so parang na-contain na namin yung diarrhea,” dagdag pa niya.
Aniya, galing sa maruming tubig ang sanhi ng pagkakaroon ng diarrhea ng mga residente dito.
Nitong Lunes, umapela ang Nature Kids of Siargao founder Sanna Sevig ng tulong mula sa publiko dahil maraming mga bata ang namamatay dahil sa diarrhea.
“I know that a lot of the kids now, they have diarrhea and they’re really dehydrated, and I guess that’s an aftermath of the amoebiasis,” ayon kay Sevig.