Yen Santos, Paolo Contis nag-Bora as ‘friends’

NANINIWALA ang mga netizens na hindi na kailangan pang umamin sina Paolo Contis at Yen Santos na more than friends ang nangyayari sa kanila ngayon dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na mayroon silang relasyon.

Ayon sa mga netizens, dapat itigil na ni Paolo ang pagsasabing friends lang sila ni Yen makaraan silang maispatan ng publiko na nagbabakasyon sa Boracay.

Chika ng mga Marites:

“Bat tong mga celebrity mahilig mag deny sa mga ka relationship nila kung sila e di sila di ung puro pa epal kesyo friends lang kesyo close friends feeling mga sikat.”

“Time is the ultimate truth teller gd ya.”

“Ginagawa nilang tanga yung mga sarili nila, bakit pa kac deny ng deny, kung umamin pa noon di na cla maging issue ulit kung makita mn mgkasama.”

“Deny kau deny nhuhuli dn kau ng mga marites kya wag nyo sinubukan ang power ng mga marites.”

“May as a friend bng solong magksama khit saan mn magpunta?”

Marami naman ang nagpahiwatig na buntis ang aktres dahil sa nakitang mga pictures ng dalawa nang dumating sa Boracay.

Itinanggi naman ni Paolo na buntis ang kanyang “friend.”