PUMALO sa 302 na lindol ang naitala sa loob ng 24 oras na monitoring ng bulkang Taal sa Batangas ayon sa latest report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.
Ayon pa sa PHIVOLCS, 184 sa mga lindol na ito ay nagtatagal mula isa hanggang labindalawang minuto, habang 118 ay maituturing na low frequency volcanic earthquakes.
Naunang naibalita na nagtala ng higit 200 na lindol sa bulkang Taal sa pagitan ng March 25-26. Nananatiling nasa Alert Level 2 ang Bulkan, dala ng patuloy na “increased unrest.”