SK chairman nagtulak ng damo, dakma

HIMAS-REHAS ang Sangguniang Kabataan chairman sa Cabatuan, Isabela na nahuling nagbebenta umano ng marijuana kahapon ng umaga.


Ayon sa pulisya, isang high-value target ang suspek na si Joren Palomino, 24, ang SK chairman ng Brgy. Centro.


Nasakote si Palomino makaraan nitong bentahan ng P500 halaga ng marijuana ang poseur-buyer.


Nasabat din sa suspek ang dalawa pang sachet ng marijuana at isang cellphone.
Inilatag ng pulis-Cabatuan ang buy-bust laban sa suspek matapos siyang inguso ng mga kabarangay.