DALAWAMPU’T–LIMA katao ang naiulat na nawawala habang maraming iba ang sinasabing nawawala at ilan pa ang nasugatan dahil sa epekto ng tropical storm na Agaton (Megi), ayon sa ulat ng mga awtoridad nitong Lunes.
Ayon sa inisyal na report, 22 ang nasawi mula sa landslide dulot ng malakas na pag-uulan sa maraming bahagi ng Baybay City sa Leyte.
May 16 ang nasawi sa barangay Mailhi, dalawa sa barangay Maypatag, isa sa barangay Bunga, at tatlo sa barangay San Agustin, ayon kay city police chief Lt. Col. Joemen Collado nang makapanayam ng DZBB.
Narekober ang katawan ng 22 na nasawi habang hinahanap pa ang anim.
Nangangamba si Collado na maaring tumaas pa ang bilang ng mga napahamak sa bagyo.
Samantala, dalawa ang naiulat na namatay sa bayan ng Monkayo sa Davao de Oro at isa pa sa Cateel, Davao Oriental, ayon naman sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. – John Roson