80,000 katao dinumog concert-rally ni Isko sa Maynila

DINAGSA ng mahigit 80,000 katao ang concert-rally ni presidential candidate Isko Moreno sa Maynila nitong Linggo.

Alas-2 pa lang ng hapon ay tinatayang nasa 25,000 katao na ang nasa T.M. Kalaw street corner Maria Orosa kung saan ginanap ang concert ng ilang mga singer at banda na nagpahayag ng tulong at suporta sa kandidatura ng alkalde.

Ang concert-rally na may titulong “Isigaw Mo, Isko!” ay pinangunahan ng singer-musician na si JimmyBondoc, na siya ring nag-organize ng event at kumuha sa mga singers na nag-perfrom gaya nina Luke Mejares, Aia De Leon ng. Imago, Shamrock, South Border, Soapdish, This Band at Nina.

Alas-6 hanggang alas-7 ng gabi ay mas lalong tinao ang concert-rally na umabot sa 65,000. Tumaas ito ng 80,000 nang oras nang magsalita si Moreno sa entablado.

“Kumusta na kayo? Wala tayong atrasan! Tuluy-tuloy ang laban! Ano ang sigaw niyo?,” sigaw ni Moreno sa kanyang mga tagasuporta.