2 nakulong sa balon, todas

PATAY ang dalawang lalaki matapos ma-suffocate sa isang balon sa Agno, Pangasinan.


Ayon sa report, nililinis ni Edward Apostol, 34, ang balon sa Sitio Bariquer, Brgy. Dangley pero dahil sa sobrang sikip at lalim nito ay hindi siya nakahinga nang maayos.


Tinangka naman siyang tulungan ni Hector Caducio, 52, pero maging ito ay nahirapan ding makahinga.


Walang ng buhay ang dalawa nang marekober ng kanilang mga kapitbahay.