Oil companies may dagdag-bawas sa presyo

MAGPAPATUPAD ng dagdag-bawas sa presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.


Simula bukas ay may dagdag na 20 sentimos sa kada litro ng gasolina ng Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil at Shell.


Nasa 20 sentimos rin ang itatapyas sa presyo ng kada lito ng diesel ng Petro Gazz, Seaoil at Shell.


Wala namang magiging paggalaw sa bawat litro ng kerosene ng Seaoil at Shell.


Epektibo ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil alas-6 ng umaga habang alas-8:01 ng umaga sa Cleanfuel.


Asahang mag-aanunsyo rin ang iba pang oil companies ng kanilang price adjustment.


Ang pagbabago sa presyo ng petrolyo ay bunsod ng paggalaw nito sa international market.