MULA Holy Monday hanggang kahapon, Black Saturday, ay umabot na sa 19 katao ang nalunod sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nasa pagitan ng lima at 65-anyos ang mga biktima.
Pito rito ay nalunod sa Calabarzon o Region 4A habang tatlo sa Cagayan Valley, tig-dalawa sa Ilocos, Central Luzon at Western Visayas habang tig-isa sa Bicol, Eastern Visayas at Davao.
Kabilang sa mga nalunod ang 13-anyos na si Jacob na mula sa San Pablo City, Laguna.
Natagpuan ang katawan niya na lumulutang sa pool ng isang resort.
Isa pa ay si Rodemar Magtubo, na tumalon sa ilog sa Sta. Cruz, Laguna, habang nakikipag-inuman sa mga kamag-anak. Natagpuan ang kanyang bangkay makaraan ang isang oras.