NAKAPAGTALA ng 112 aftershocks matapos yanigin ng magnitude 5.7 lindol ang Occidental Mindoro Lunes ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na dapat maging handa ang publiko sa posible pang malakas na lindol sa bansa.
“Unang-una pagdating sa nangyaring paglindol sa Mindoro, mga aftershocks naman po ay talagang hindi naman magdudulot ng damage pero hindi natin inaalis ang posibilidad na magkaroon pa ng mga malalakas na paglindol dahil sa pagkilos along the Manila Trench,” sabi ni Solidum.
“At kung ganyan po ang mangyayari ay kailangang paghandaan ang mga malalakas na paglindol. Wag pag-panic, at alamin kung saan ka pupwesto habang lumilindol,” sabi ni Solidum.