Janella umamin: May isyu kay Julia Barretto

UMAMIN ang aktres na si Janella Salvador na nagkaroon ito dati ng isyu sa kapwa aktres na si Julia Barretto.

“Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon ni Julia. There was an issue before, hindi ko na sasabihin kung ano, alam niyo na yun,” chika ni Janella.

Matatandaang naging katambal ni Janella ang ex-boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia sa teleserye na “The Killer Bride.”

Pero nag-reach out naman si Julia kay Janella nang malamang buntis ito.

“Nag-reach out siya nung malaman niyang buntis ako, pinadalhan niya ako ng balloons tapos nag-thank you ako. Pero hindi na nag-progress yung friendship namin.”

Willing namang ibalik ni Janella ang dating samahan nila ng aktres.

“Pero open naman ako sa future kung mag cross paths again. Pero right now hindi pa kami nag-uusap,” paliwanag niya.