Idineklara ng Malacanang na Special Non-Working Holiday sa Cebu City Miyerkules, Abril 14, bilang pagdiriwang sa quincentennial arrival ng Kristiyanismo at First Baptism sa bansa.
Inisyu ng Palasyo ang Proclamation No. 1130 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na nagdedeklara na ang Abril 14 ay special non-working holiday sa Cebu City.
“It is but fitting and proper that the people of the City of Cebu be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies, subject to community quarantine, social distancing, and other public health measures,” ayon sa proklamasyon.
Ginanap ang unang bautismo sa bansa noong Abril 14, 1521 nang binyagan ng mga Español na Paring Katoliko sina Raja Humabon at asawa nitong si Reyna Juana, at ilang iba pa.
Inaasahan na makikisa sa pagdiriwang bukas ang may 10 obispo at ang Papal Nuncio sa bansa.