‘Dynamite’ ng BTS naka 1B views na sa YouTube

Nagdidiwang ang Armys ngayon matapos maka-isang bilyong views na ang “Dynamite” ng K-pop idol group na BTS sa YouTube.

Umabot na sa one billion views ang full English version song na “Dynamite”, pitong buwan matapos itong mai-upload noong Agosto 21, 2020.

Ang nasabi ring video ang pinakamabilis na music video na mula sa isang Korean group na umabot ng 600 milyong views sa nasabing online streaming platform.

At mula nang mai-release ang Dynamite, umani ito ng iba’t ibang recognition, kabilang na ang pagpasok nito sa Hot 100 Charts at Billboard Hot 100 sa loob lamang ng tatlong linggo.

Dito rin napasama ang BTS sa mga nominado para sa Grammy sa katergoryang Best Pop Duo/Group Performance ngunit natalo kina Lady Gaga at Ariana Grande para sa kantang “Rain on Me”.