Anne, Angel nag donate ng P1M sa Pasig City

IBINUKING ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nag-donate sina ABS-CBN actresses Anne Curtis at Angel Locsin ng P1 milyon sa local government para matulungan ito sa pagsugpo ng COVID-19.

Ayon kay Vico, dinonate ito ng dalawa ng walang “fanfare.”

“Dinonate nila ito walang fanfare, walang media. Ni hindi nga kami nagkita. Iniwan lang nila ‘yung tseke,” bahagi ni Sotto.

Dagdag niya, gagamitin nila ang donation para sa pagbili ng mga bakuna kontra Covid.

Nagpasalamat din si Vico sa lahat ng nagbigay-tulong sa Pasig.

“Thank you sa lahat nang tumutulong, nagmamalasakit, alam ko man o hindi,” pahayag ng mayor.

Nauna na ring nagdonate sila Anne at Angel sa Manila, Baguio, Taguig at Quezon City.