SHABU INIHALO SA FISH CRACKERS

HIMAS-REHAS ang lalaki na tinangkang magpasok sa kulungan ng shabu na inihalo sa fish crackers sa Davao City kahapon.

Dinakip si Daryl James Martinez, 28, makaraang madiskubre ng mga pulis ang tatlong sachet ng shabu sa dala niyang junkfood. Nagkakahalaga ng P3,000 ang nakumpiskang droga.

Hindi naman pinangalanan ng mga tauhan ng Toril police station ang dadalhan sana ng droga ni Martinez.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.