TAGA NCR-PLUS, CEBU, DAVAO, BAWAL SA WESTERN VISAYAS

HINDI maaaring pumasok sa Region 6 o Western Visayas ang mga taga-Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu at Davao hanggang Abril 10.

Ani presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling ng mga opisyal ng Western Visayas na nangangambang tumaas ang bilang ng Covid-19 cases sa kanilang rehiyon kung mananatili itong bukas sa mga maglalakbay.

Kabilang sa mga probinsya na nasa Western Visayas ang Aklan, Antique, Negros Occidental, Capiz, Guimaras at Iloilo. “Kasama po sa Region 6 ang Boracay,” sabi ni Duque.