Pari uminit ang ulo sa binyag; Simbahan nagsori

davao bishop

HUMINGI ng tawad ang Diocese ng Tagum City dahil sa inasal ng isang pari habang nagbibinyag sa Nuestra Señora de la Candelaria Parish sa  Sto. Tomas, Davao del Norte kamakailan, na nakunan ng video.

“This concerns the baptism incident which has regretfully gone viral in the social media and other media platforms of which we are deeply sorry! We ask for everyone’s forgiveness for the pain and scandal this may have caused,” ayon sa kalatas na nilagdaan nina Bishop Medil Aseo at Chancellor Father Vicente Arado Jr.Dagdag nila, humingi na ng tawad ang pari sa mga magulang ng sanggol.


“After series of dialogues, both parties have reached conciliation and mutual understanding recognizing the lapses and excesses on either side,” ayon pa dalawang opisyal ng Simbahan.


Sa video na nag-viral, makikita na tila nawalan ng pasensya si Rev. Fr. Ben Canete habang inuutusan ang mga magulang ng bibinyagan kung paano ipupuwesto ang sanggol para sa bendisyon. 
Hinawakan pa ni Canete ang ulo ng bata pero napahigpit umano nito kaya umiyak ang bibinyagan. Si Canete ang kura paroko ng nasabing simbahan sa Brgy. Kikamon.


In-upload ang video ng isang May Flor Concon Decano noong Marso 13, subalit tinanggal din niya ito makaraan ang ilang araw.


Umapela naman ang diocese sa publiko na huwag nang palakihin ang isyu.