Lalaki na heat stroke sa Cebu City, patay

MALAMIG na bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki na hinihinalang biktima ng heat stroke sa Escario street sa Cebu City nitong Martes ng hapon.

Naispatan ng mga pedestrian si William Go, 58, na humandusay sa kalsada habang sumusuka ng dugo.

Nakaresponde naman agad ang mga otoridad pero hindi na kumikillos ang biktima nang datnan nila.
Isasailalim sa autopsy ang biktima para madetermina ang ikinanatay nito.