Kalandian ni Mister Sinasaksak ni Misis sa Ari

SINAKSAK sa ari ang babae na nahuli sa akto ng isang ginang na nakikipagtalik sa mister nito sa Mangaldan, Pangasinan kamakalawa, ayon sa pulisya.

Nasa maayos na kalagayan na sa ospital ang biktimang si Tina (di tunay na pangalan), na nagtamo rin ng mga saksak sa braso.

Sumuko ang suspek matapos ang krimen pero hindi umano siya nagsisisi sa kanyang ginawa. Sinampahan na siya ng reklamo sa piskalya.

Lumabas sa ulat na dumayo si Tina at kasamang babae sa bahay ng suspek at nakipag-inuman sa mister ng huli na noon ay nagdiriwang ng kaarawan.

Pinagsabihan ng ginang ang tatlo na itigil na ang inuman dahil nakita niyang nagsusubuan ng pagkain ang mister at si Tina. Nalingat lamang daw siya ay bigla nang nawala ang dalawa.

Kinutuban umano ang ginang kaya pinuntahan niya ang isang bakanteng kubo sa lugar.

Doon ay tumambad sa kanya ang dalawa na nagtatalik. Kumuha ng kutsilyo sa bahay ang ginang at pinagsasaksak ang biktima.

Nakatakas naman ang mister niya.