Andanar: Duterte di inatake sa puso

PINABULAANAN ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang kumakalat na balita sa social media na inatake sa puso si Pangulong Duterte.

Sa Facebook, ipinost ni Andanar ang screenshot ng isang post na parang news report na may headline na “Breaking News: Sources say Duterte suffers Mild Heart Attack.”

“Huwag magpapaniwala sa FAKE NEWS,” caption dito ni Andanar.

Sari-saring suspetsa ukol sa lagay ng Pangulo ang naglulutangan sa social media makaraang dalawang beses ikansela ang kanyang public address at makumpirmang lumabas ng bansa ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa gitna ng pandemya.