Community pantry lumalawak, meron na rin sa N. Vizcaya

Spread the love, spread the good news!

At dahil isang malaking good news ang community pantry na nagsimula sa Maginhawa street sa Quezon City, nakigaya na rin ang bayan ng Bayombong sa Nueva Vizcaya.

Ang community pantry ay sa harap ng Saber Inn (Quaddro Cafe) sa Bayombong.

“Maaari po kayong pumunta mamaya para kumuha ng inyong pangangailangan at magbigay ng kahit anong pagkain. Panatilihin po natin ang physical distancing sa pagpunta,” ayon sa post.

Maaaring kumuha ang mga residente rito ng libre ng naaayon sa kanilang pangangailangan.

Samantala, maaari ring mag-iwan ng donasyon sa station na ito.

Bukas ito mula 9 a.m. to 6 p.m.

Ayon dito, ito ay inspired sa kamakailan na kumalat na Maginhawa community pantry kung saan libre ang mga produkto para sa mga residente, habang bukas din ito para sa mga nais na mag-donate.