6 hinihinalang holdaper patay sa Rizal shooting

PATAY ang anim na pinaghihinalaang holdaper matapos makaenkwentro ang mga pulis sa isang gasolinahan sa sitio Old Boso boso, Antipolo City, Rizal, Huwebes ng madaling araw.

Isang gasolinahan ang tinangkang holdapin ng mga suspek subalit sila ay naispatan ng pulisya.

Dahil dito, pinaputukan ng isa sa mga suspek ang mga rumespondeng pulis kung kayat gumanti naman ang mga otoridad.

Nagkaroon ng habulan at barilan, dahilan para mapatay ang anim na suspek. Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo at bala ng hindi pa batid na uri ng baril at ang kotseng ginamit ng mga suspek.