19 seminarista sabay-sabay nagka-Covid

LABINGSIYAM na seminarista sa San Jose, Antique ang nagpositibo sa Covid-19, iniulat kahapon.

Sa kalatas, sinabi ng St. Peter’s Seminary na isinailalim sa RT-PCR test ang 34 seminarista noong Linggo makaraang magpositibo sa virus ang isang pari.

Sa mga na-test, 19 ang positibo, 10 ay negatibo habang wala pang resulta ang lima. Asymptomatic ang 15 habang ang apat ay mayroong mild na sintomas.

Inaalagaan na ang mga may sakit na seminarista, ani Bishop Marvyn Maceda ng San Jose de Antique.

“We join you in prayers for the fast rcovery of our seminarians,” aniya.

“For those who may want to reach out and offer assistance to our seminarians in any way, please feel free to coordinate with your parish priests/team ministers.”

Larawan mula sa: https://www.facebook.com/stpetersseminaryantique