TILA na-high blood si Senador Cynthia Villar habang nasa gitna ng pagdinig ng budget ng National Tobacco Administration na nasa ilalim ng Department of Agriculture, dahilan para mapamura ito.
Hindi na matiis ni Villar ang pagkainis sa pagdinig ng budget ng NTA, partikular na ang proposed allocation para sa probisyon ng “production technical marketing assistance.”
Naniniwala si Villar na posibleng magamit lamang ang nasabing item para sa korupsyon.
“Ang sabi dito provision of production technical marketing assistance. P…..ina, puro nakaw ‘to.”
Na agad namang sinagot ng isa sa mga opisyal ng NTA na “hindi ma’am.”
“Tigilan niyo na ko sa mga technical assistance na ‘yan, alam naman natin na drama lang yan ng taon. Naku naman. Diyos ko. Terible,” dagdag pa ng inis na inis na senador.