Hollywood actor Alec Baldwin nakapatay sa shooting

PATAY ang isang 42-anyos na babae habang sugatan ang isang lalaki nang mabaril ng aktor na si Alex Baldwin sa shooting ng kanyang pelikula sa New Mexico.

Ayon sa ulat, pinaputok ni Baldwin ang prop na baril habang nagsu-shooting para sa pelikulang “Rust” nitong Huwebes.

Dinala ang babae, ang director of photography na si Halyna Hutchins, sa ospital bagamat binawian na ng buhay.

Ginagamot naman ang lalaking biktima, si Joel Souza, ang direktor.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon kaugnay ng insidente sa Bonanza Creek Ranch, na isang sikat na lokasyon sa pagsu-shooting ng pelikula. –