Trillanes minaliit pangunguna ni Sara Duterte sa survey

NANINIWALA si dating Sen. Antonio Trillanes IV na magiging pinakamarumi at pinakamasahol sa kasaysayan ang halalan sa pagkapangulo sa susunod na taon.


Sa panayam ng ANC, sinabi ni Trillanes na ang pagtakbo sa susunod na eleksyon ay parang pagsabak sa gear.


“2022 would be probably one of the dirtiest, most vicious elections we will ever have because the other side, the Duterte camp, will be fighting for their physical freedom because they know that if the opposition wins–and again we will win– he is going straight to prison along with his cohorts,” giit ni Trillanes.


“For the opposition, what is at stake is the survival of the country,” dagdag niya.


Samantala, ipinagkibit-balikat lang ni Trillanes ang resulta ng Pulse Asia survey kung saan nanguna sa listahan ng pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte.


Hirit ni Trillanes, ginawa ang survey noon pang Pebrero. “So many big, significant events have happened that could affect the results by now. A nationwide survey is only valid for only a month. During the campaign, it is even shorter, say, a week,” paliwanag niya.