15K doses ng Sputnik darating sa Sabado

TULOY na ang pagdating sa Pilipinas ng 15,000 doses ng Sputnik V mula Russia sa Sabado matapos itong madelay ng ilang araw.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Philippine Ambassador to Russia King Sorreta ang mga larawan kung saan inihahanda na ang pagbiyahe ng unang shipment ng vaccine mula sa Moscow.

Dalawang beses na nabalam ang pagdating ng mga vaccine dahil na rin sa problema sa logistics.